Try to read

I share with you my spoken word poetry. Hope you’ll like it!

San ba ko dapat magsimula?
Sa dulo ba?
O sa mismong simula?
Pero kahit naman saan,
Kahit sa paanong paraan,
Ang sakit.
Ang sakit sakit mong mahalin.

Tanong ko lang ah.
Minahal mo ba talaga ako?
Sa mga pagkakataong magkasama tayo,
Totoo ba ung mga pinakita mo?
Alam kong sinungaling ka,
Pero bakit pati ba naman ako?
Akong tumanggap sayo,
Na paulit ulit mong niloko?
Alam ko,
Tanga ako.
Tanga ako pag dating sayo.
Pero wala ih mahal kita.
Mahal na mahal kita.
Pero kahit na ganun,
Binigyan kita ng napakaraming pagkakataon.
Isa? Tatlo? Sampu? Ewan,
Na wala na ko sa bilang.
Pero mahal. parin. kita.

Umasa ako,
Umasa na magbabago ka pa.
Pero umasa lang ako sa wala.
Pinatunayan mo lang sakin kung gaano ka walang kwenta.

Sa panahong nagdaan.
Nakalipas na mga buwan.
Unti onti na rin akong nawalan ng dahilan.
Dahilan upang kumapit pa sa walang kasiguraduhang pagmamahalan.

Ubos na ako,
Sirang sira na ako.
Di ko inaahasan na sasabihin mo na ang pinaka kinakatakutan ko.
Na sa araw pa mismo kung saan tayo naging masaya.
Kung saan sinabi ko na ang pinaka hihintay mong sagot kong “oo”.
“Tapos na tayo”, sabi mo.
Tatlong lamang salita,
Pero durog na durog ako.
Para akong nabingi,
Wala akong narinig na iba,
Kundi ang pagluha ko.
Pag tawag sa pangalan mo.
Hanggang sa na wala ka na sa paningin ko.

Pero ngayon,
Tapos na ko sayo.
Tapos na kong paniwalaan na mahal mo rin ako.
Tapos na ang kahibangang ito.
Suko na ako.
Wag mo lang subukang,
Magpakita sakin ulit.
Kase natatakot ako.
Natatakot ako pag nakita kita ulit,
Isang sulyap,
Isang ngiti,
Wala na,
Sira na ulit ako.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started